buwagin

Agriculture Sec. Manny Piñol, hindi pabor na buwagin ang NFA

National News

Hindi dapat buwagin ang National Food Authority (NFA).

Ito ang iginiit ni Agriculture Secretary Manny Piñol dahil ang NFA ang tanging state trading agency na kinilala ng World Health Organization (WHO).

Naniniwala ang kalihim na kakulangan sa koordinasyon ang naging problema sa NFA, partikular sa production at policy agencies.

Dapat aniya ay may gawin pa na iba ang NFA dahil nakatutok lamang ito sa rice trading.

Aniya ay wala pang opisyal na dokumento ang paglilipat ng NFA sa ilalim ng control ng Department of Agriculture (DA).

Sa kabila na ilang beses na itong inihayag sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, mahalagang ibalik ang NFA sa pangangasiwa ng DA.

Upang magkaroon ng pagtutulungan ang lahat pagdating sa suplay ng bigas sa bansa.

NFA, nilinaw ang hindi totoong balita

WALA umanong katotohanan ang balitang halos luma ang ipinamamahagi ng NFA sa merkado.

Ayon kay Rex Estoperez, tagapagsalita ng ahensiya, wala silang nakaimbak na lumang bigas.

Hamon pa nito sa mga nagpapakalat ng maling balita na bisitahin ang lahat ng warehouses ng NFA para patunayang wala silang tinatago na lumang bigas.

Samantala, muli ring pinanindigan ng ahensiya na walang bukbok sa kanilang mga bigas at kung mayroon man ay hindi naman daw nito hahayaan na mangyari sa mga bigas ng bayan.

Ngunit hindi isinasantabi ng ahensiya ang posibilidad na maapektuhan ang kalidad ng bigas sa mga barko kung saan nakalagak ang hindi pa naibababang angkat na bigas galing Thailand.

Dahil sa mainit na temperatura na pwedeng maging sanhi ito ng pagkabulok sa ngayon.

Ang malinaw ani Estoperez ay walang luma at walang bukbok sa kanilang mga bigas sa NFA warehouses.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *