DZAR Sonshine Radio Manila

DZAR Sonshine Radio Manila, ginawaran ng Philippine Air Force

Metro News

Tumanggap ng pagkilala ang DZAR Sonshine Radio Manila mula sa pamunuan ng Philippine Air Force.

Kinilala ang suporta ng istasyon sa paghahatid ng balita at mahahalagang impormasyon at balita kaugnay sa katatapos lang na “All-in-One Bayanihan” na isinagawa sa Lungsod ng Marawi.

Ito’y bilang pagpapakilala ng pagmamahal at pagdamay sa kinakaharap ng mga residente sa Marawi dulot ng masalimuot na kasaysayan na sinapit ng lungsod.

Katuwang ng tagumpay ng aktibidad ang programang Kapartner ng Bayan na naging dahilan sa paglalahad ng layunin ng Philippine Air Force.

Kasama na ang mga sponsors nito sa paghahatid ng medical, dental, professional at infra services sa Marawi city at probinsiya ng Palawan.

Sa mensahe ni PAF Lt Gen Galileo Gerard Kintanar, labis nitong pinasalamatan ang lahat ng nakiisa sa kanilang misyon.

Maging sa susunod pang mga pagtulong na kailangan ng mga mamamayan mula sa ibat ibang panig ng bansa kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani.

Pinasalamatan din ni Kintanar ang lahat dahil sa kabila ng pagkakaiba-iba ng posisyon ay naipakita dito ang pagkakasangkot at malasakit sa kapwa.

Personal din na pinasalamatan ng butihing station manager Bing Ayang at TV and radio Jay Mendoza ang Phil Air Force dahil sa parangal.

Umaasa ang himpilan na maipagpatuloy pa ang ugnayan nito sa DZAR Sonshine Radio sa paghahatid ng makabuluhang balita, at impormasyon saan mang dako ng mundo.

Kasama sa mga nabigyan ng pagkilala ang Go Share, Philippine Dermatological Society, DZAR Sonshine Radio Manila, National Bookstore, at Armed Forces of the Philippines.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *