First Lady

US First Lady Melanie Trump, lumubog ang suot na heels

International News

Lumubog ang suot na $700 Christian Luboutin heels na suot ni former model and now first lady of the United States of America Melania Trump.

Nagtatanim ng puno si Melania sa isang white house gardening event ng mangyari ang insidente.

Ang First Lady ay umattend ng 3pm ceremony sa White House.

Kung saan makikitang muntikan na itong lumubog sa open soil habang hawak ang isang shovel.

Sa kabila ng mamahaling heels ay suot din nito ang kanyang glamorous summer outfit.

Nagkakahalaga itong $3,950 o mahigit kumulang P300,000 Valentino top and skirt.

Kalaunan ay inulan ang former model ng pagbatikos mula sa mga netizens via Twitter.

Sinabi ng ilan na marahil ay hindi pa ito nakararanas ng pagtatanim ni minsan.

Kung kaya’t pares ng heels ang sinuot nito.

Hindi ito ang unang beses na nagsuot si Melania ng inappropriate gardening wear sa isang event.

Matatandaan na siya din ay nagsuot ng isang $1,362 Balmain top noong 2017 sa isang White House vegetable garden planting event.

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *