dbm

Foreign-financed projects, titiyaking masiyasat-DBM

National News

NAGBIGAY katiyakan ang Department of Budget and Management (DBM) na dumaan sa isang masusing pagsusuri ang pagproseso ng implementasyon ng foreign-financed projects.

Sa isang press briefing, sinabi ni DBM Sec. Benjamin Diokno na ang mga proyektong pinondohan partikular ng China ay binusisi.

Kabilang ng bumusisi ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at inter-agency committees.

Sa unang set ng mga proyekto na pinondohan ng China ay ang Chico River Pump Irrigation project, ang New Centennial Water Source – Kaliwa Dam Project.

Kabilang din ang PNR South Long Haul project, at ang Binondo-Intramuros at Estrella-Pantaleon Bridges construction projects.

Ang dalawang nabanggit na tulay ay masusuportahan sa pamamagitan ng igagawad na tulong na nagkakahalaga ng P6 bilyon.

Kaugnay nito, inaasahan na darating si Chinese President Xi Jinping sa Pilipinas sa Nobyembre.

Ito ay upang lagdaan ang pagpondo at iba pang kasunduan sa ilalim ng Build, Build, Build projects.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *