Filipino amateur boxer

Filipino amateur boxer, aabante sa semis sa Asian Games

Sports

DINOMINA at pinayuko ni Filipino amateur boxer Eumir Felix Marcial ang katunggali nitong si Kim Jinjae ng South Korea.

Ito ay sa 75kg weight division sa Asian Games matapos magpaulan ng mga suntok.

Kasunod nito ay aabante na sa semifinals games ang 2-time Southeast Asian Games gold medalist Eumir Felix Marcial.

Sinigurado naman ni Marcial na makakasungkit muli ang Pilipinas ng isa pang gintong medalya.

Ito’y matapos ang magandang resulta sa naging laban nito na may unanimous decision pabor sa ating boksingero.

Sasamahan naman ni Marcial sina Filipino boxer Carlo Paalam at Olympian Rogen Ladon na una ng nakausad sa semis.

 Nakatakda namang sumabak ang tatlong Pinoy boxer bukas laban sa kani-kanilang mga katunggali.

Makakaharap ni Marcial si Israil Madimov ng Uzbekistan sa middleweights category.

Makakatunggali naman ni Ladon si Yuttapong Tongdee ng Thailand sa men’s flyweight semifinals.

Maghaharap naman sina Paalam at Amit Panghal ng India sa mens light flyweight category.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *