sultan kudarat

Pagsabog sa Sultan Kudarat, 3 na ang patay

Regional

UMABOT na sa 3 katao ang bilang ng nasawi kabilang na ang isang bata habang nasa 36 ang sugatan matapos ang pagsabog ng isang bomba.

Nangyari ang naturang insidente sa gitna ng kasiyahan sa Hamungaya Festival sa Bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.

Matatandaang bandang alas-8:45 nitong Martes ng gabi nang mangyari ang pagsabog ng bomba.

Nangyari ito sa harapan ng J and H Marketing na malapit sa isang ukay-ukay store sa Brgy. Kalawang 3 ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng Army’s 6th Infantry Division (ID) at Police Regional Office (PRO) 12, inako ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang nasabing pangyayari.

Ayon sa ISIS na ang kanilang grupo ang nasa likod ng madugong pambobomba.

Bunga naman ng insidente ay kinansela ang naturang festival na dapat sana ay magtatagal pa ng hanggang linggo.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *