anonymous

Trump, hinamon ang anonymous writer ng anti-trump article na magpakita

International News

Hinamon ni U.S Pres. Donald Trump na magpakilala ang anonymous writer ng kontrobersyal na resistance article laban sa kanya.

Ang nasabing essay ay ipinalathala pa sa sikat na American newspaper na New York Times o NYT.

Kinilala lamang ang writer sa bansag na ‘Senior White House Official.”

Habang mahigpit naman na prinotektahan ng NYT ang pagkakakilanlan maging ang kasarian nito.

Ikinagalit ito ni Trump at nanawagan sa NYT at sa writer na ihayag ang pagkakakilanlan nito sa kadahilanang national security.

Samantala, ilang matataas na opisyal sa White House ang mariing itinanggi sa publiko na sila ay may kinalaman sa naturang artikulo.

Ilan sa mga ito ay sina Vice President Mike Pence, Secretary of State Mike Pompeo.

Kabilang din sina Director of National Intelligence Dan Coats at Defense Secretary James Mattis.

Sa ngayon ay tinutukoy pa ang pagkakakilanlan ng nasabing kritiko at kung ito nga ba ay kabilang sa White House officials.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *