Bulacan

Nadiskubreng bigas sa warehouse sa Bulacan, ligal

Regional

Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Customs (BOC) ang ilang bodega ng bigas sa Marilao, Bulacan.

Nadiskubre sa isa sa mga warehouse ang aabot sa sampung libong sako ng hinihinalang puslit na bigas mula China.

Kinumpirma naman ni Custom Commissioner Isidro Lapeña na naglabas ng letter of authority para sa visitation power ng BOC.

Para mainspeksyon ang mga bodega sa nasabing lugar na hinihinalang naglalaman ng smuggled na bigas.

Pero sa isang panayam sa abogado ng may-ari ng naturang bigas, lehitimo ang pag-aangkat nito.

Sa katunayan, tuloy-tuloy pa ang delivery ng inangkat nilang bigas mula China.

Kumpleto rin aniya ang kanilang papeles at bayad rin ang lahat ng kanilang tax liability.

Kaugnay nito, nakatakda naman nilang hilingin sa BOC na tanggalin ang selyong inilagay sa kanilang bodega.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *