aids infection

30 patay sa HIV/AIDS infection noong Hulyo

National News

Nasa 30 pasyente ng HIV/AIDS infection ang iniulat na namatay noong Hulyo 2018.

Base ito sa datos ng HIV/AIDS & Art Registry of the Philippines (HARP), kung saan umabot na ito sa full bloom aids.

Mula sa nasabing bilang ng mga nasawi sa aids, dalawampu’t walo dito ang lalaki at dalawa ang babae.

Kinse anyos ang pinakabatang namatay sa AIDS at nasa limampung taong gulang pataas ang pinakamatanda.

Sa ngayon ay umakyat na sa 2,735 pasyenteng may HIV/AIDS ang nasawi simula Enero 1984 hanggang Hulyo 2018.

Pinakamaraming na­ita­lang bagong kaso ng HIV/AIDS mula sa NCR.

Sumunod ang region 4-A, Region 3, Region 6, Region 7 at Region 11.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *