mga sundalo

Mga sundalo, hinamon ni Pang. Duterte   

National News

HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalo na sumama kay Sen. Antonio Trillanes IV para mag-aklas.

Ginawa ito ni Pangulong Duterte sa kaniyang national address sa Malakanyang.

Ayon kay Pangulong Duterte, malaya ang mga sundalo na sumama sa senador para patalsikin siya sa puwesto.

Kung naniniwala silang may ginawa at naibigay sa kanila si Trillanes sa lahat ng kanilang pangangailangan.

Bukas ang pangulo na bumaba sa puwesto kung hihilingin ito ng mga sundalo para magkaroon ng bagong presidente.

Pinatutsadahan din ng pangulo si Trillanes na wala namang nagawa.

Kundi ang magkalat noon sa Oakwood mutiny at magtanim ng bomba sa isang pampublikong lugar.

Duterte, may ebidensiya sa planong destab plot laban sa kaniya

HAWAK daw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ebidensiya sa planong destabilisasyon laban sa kaniya.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hawak niya ang “record conversation.”

Kabilang sa nairekord ang pag-uusap ng CPP-NPA founding chairman Jose Maria Sison, Magdalo at iba pang grupo para sa planong kudeta.

Ayon sa pangulo, ang nasabing intelligence information ay ibinigay sa kaniya ng foreign country na may simpatiya sa kaniya.

Sinabi ni Pangulong Duterte na natuklasan ng nasabing bansa sa pamamagitan ng kanilang makabagong teknolohiya ang balak ng nasabing grupo.

Tiniyak ng pangulo na ilalabas niya sa publiko ang nasabing audio recording.

Para makita ng lahat ang koneksyon ng nasabing grupo sa tangkang pagpapatalsik sa kaniya sa puwesto.

 

DZARNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *