suicide bombing

Suicide bombing attack sa Afghanistan, 68 patay

International News

UMAKYAT na sa 68 ang nasawi habang 165 naman ang sugatan sa naganap na suicide bombing sa Nangarhar, Afghanistan nitong Martes.

Ayon sa isang government official, nasa kasagsagan ng isang protesta ang karamihan ng mangyari ang pagsabog.

Wala pang umaakong grupo sa nasabing pagpasabog bagama’t may aktibong militanteng grupo sa nasabing probinsya.

Hinihinalang kaugnay sa nalalapit na eleksyon sa lugar ang dahilan ng pag-atake.

Samantala, nagbigay babala na ang mga opisyal sa mas marami pang pag-atake.

Partikular na sa mga campaign rallies dahil sa nalalapit na parliamentary elections.

Sa ngayon ay pinag-iisipan pa kung matutuloy ang eleksyon sa Oktubre 20.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *