Gas explosion sa Boston, 39 na bahay natupok isa nasawi

International.

NAGULANTANG ang tatlong magkakalapit na lugar ng Andover, North Andover at Lawrence sa Boston Masachussetts sa naganap na multiple explosion.

Isang lalaki ang nasawi, sampu ang sugatan habang 39 na bahay naman ang natupok sa insidente.

Aabot naman sa isandaan ang nasunog na mga istruktura kabilang na ang mga gusali ayon sa state police.

Daan-daan katao din ang napilitang magsilikas ayon sa mga lokal na opisyal.

Ilang firefighters na galing pa sa limampung departamento ang nagtulong-tulong upang sugpuin ang napalaking apoy.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay over-pressurized ng gas line ang dahilan ng sunog.

At hinihinalang may kinalaman dito ang Columbia Gas Company malapit sa lugar.

Hindi pa inaako ng nasabing gas company ang pangyayari.

Samantala, inilarawan naman ng iilang nakasaksi ang pangyayari na animo’y isang “Armageddon” o “Pandemonium.”

Hindi pa malinaw kung kelan muling makakabalik ang mga residente sa kani-kanilang mga tahanan.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *