Mga lugar na nasa storm Signal No. 3, nadagdagan pa

National News

NADAGDAGAN pa ang mga lugar sa Luzon na isinailalim sa storm Signal No. 3 kasunod ng patuloy na paglapit sa kalupaan ng Bagyong Ompong.

Kabilang sa mga nasa Signal No. 3 ang Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Is., Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino, Northern Aurora, at Isabela

Signal No. 2 naman sa Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Southern Aurora, Northern Zambales.

Habang Signal No. 1 naman sa Southern Zambales, Pampanga, Bulacan, Bataan, Rizal, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Quezon Kabilang Ang Polillo Is., Northern Oriental Mindoro.

Kabilang din ang Masbate, Northern Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Is., Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon,Burias at Ticao Islands.

Inaabisuhan naman ang mga residente sa mga naturang lugar na maging handa sa posibleng pagbaha at landslide dala ng bagyo.

Mararanasan naman ang may kalakasang pag-ulan sa mga nabanggit na lugar sa loob ng 18 hanggang 36 na oras.

DZAR 1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *