Mga residente sa 3 coastal municipalities ng Isabela, inilikas na

Regional

IPINATUPAD ang preemptive evacuation sa tatlong coastal municipalities ng Isabela dahil sa inaasahang paghagupit ng Bagyong Ompong.

Ayon kay Isabela Provincial Disaster Officer Edmond de Guzman, ito ay habang hindi pa gaanong nararamdaman ang epekto ng bagyo.

Lalo na sa Maconacon, Divilacan at Dinapigue.

Gayunman, kapag lumakas na ang ulan at hangin na dala ng bagyo ay agad na ipatutupad ang sapilitang paglilikas sa mga nabanggit na lugar.

Pinagbawal na rin ng provincial government ang mga mangingisda na maglayag dahil sa masamang panahon.

Bawal din ang pagbebenta ng alak para sa safety reasons.

Namahagi na rin ang lokal na pamahalaan ng mga relief goods sa mga barangay sa Northern Isabela.

Habang nakahanda na ang mas marami pang food packs para sa mga maaapektuhan ng bagyo sa lalawigan.

DZAR 1026

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *