pastor apollo

Pastor Apollo, pinangunahan ang matagumpay na King is Coming Tour sa General Santos City, Philippines

Kingdom News

SA kabila ng kabi-kabilang katagumpayan at pagpapala ng Amang Makapangyarihan sa kanyang Bansang Kaharian sa paglipas ng taon, ay nagpapatuloy pa rin ang walang humpay na pagpasok ng milyong-milyong mga Anak ng Makapangyarihang Ama sa kanyang Kaharian upang sumunod sa Kalooban ng Ama sa pamamagitan ng kanyang Hinirang na Anak sa mga huling araw na ito, walang iba kundi si Pastor Apollo C. Quiboloy.

At nitong Linggo lamang ay isang espesyal na Thanksgiving at Worship Presentation ang pinangunahan ni Pastor Apollo sa General Santos City, bilang bahagi ng kanyang King is Coming Tour General Santos City.

Pinangunahan naman ng mga Kingdom musicians ang pagbibigay papapuri sa pamamagitan ng makalangit na awitin, bilang pasasalamat sa mga biyayang ibinuhos ng Amang makapangyarihan sa kanyang bansang Kaharian.

Sinabayan naman ito ng mga nagsipagdalo sa nasabing pagtitipon, maging ng mga libo-libong nanonood sa ibat-ibang panig ng mundo via Sonshine Media Network International, at 17 Sonshine Radio Stations sa buong Pilipinas, at maging sa internet via Livestream.

Bukod sa mga Kingdom Citizen, symphatizers, first time at walk-in visitors, covenant partners, televiewers at tagapakinig sa mga programa ng butihing Pastor sa Radyo, ay dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang mga espesyal na panauhin at mga kaibigan ng ministry.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *