lanao del sur

Lanao del Sur board member at Marawi City Councilor, arestado sa buy bust operation ng PDEA

Regional

Nahulog sa kamay ng otoridad ang isang board member ng Lanao del Sur at konsehal ng Marawi City sa ikinasang buy bust operation ng PDEA ARMM.

Kinilala ang mga inaresto na sina

Sa bisa ng search warrant na inilabas ng RTC branch 16 ng Kabacan, Cotabato.

Sinalakay ng otoridad ang bahay ng board member sa Wildflower St., Purok Mabuhay, Sitio Bucayo, Brgy. Tubod, Iligan City.

Nakumpiska ng otoridad bilang ebidensya ang isang zip lock ng malaking pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Tumitimbang ito nang nasa humigit kumulang 500gms na nagkakahalaga ng nasa P3.4 milyon at isang rebolber na baril.

Sinasabing si Hussein ay isa sa mga miyembro ng Iwaram drug group na nag-ooperate sa Marawi, Lanao del Sur at Lanao del Norte.

Ulat ni: Admar Vilando

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *