Ilang bayan sa Cagayan, sa Nobyembre pa magkakakuryente

Regional

POSIBLENG sa Nobyembre pa maibabalik ang suplay ng kuryente sa ilang bayan sa Cagayan Province.

Ayon sa National Electrification Administration o NEA, sa Nobyembre 31 ang target na maibalik ang suplay ng kuryente.

Kabilang ang mga bayan ng Alcala, Baggao, Piat, Rizal, Santo Niño, Amulung, Iguig, at Tuao.

Ayon sa datus ng NEA, 70 bayan pa sa Region 1, 2, 3, CAR, at 4-A ang wala pang kuryente sa kasalukuyan.

Nasa 170 bayan at syudad naman sa naturang mga rehiyon ang fully restored o may kuryente na.

Habang nasa 92 bayan naman ang partially restored ang suplay ng kuryente.

Pumalo naman sa mahigit P208.7M ang halaga ng pinsala ng Bagyong Ompong sa mga electric distribution utilities sa Luzon.

Labis na napinsala ang Cagayan Electic Cooperative o Cagelco 1 at 2 na nagtamo ng nasa mahigit P111 milyon halaga ng danyos.

 

Ni Admar Vilando

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *