mawalan ng trabaho

DOLE, aminado na maraming mawalan ng trabaho sa TRAIN 2

National News

AMINADO ang Department of Labor and Employment (DOLE) na marami ang posibleng mawalan ng trabaho.

Kaugnay ito sa ipatutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) 2 o Trabaho Bill.

Sinabi ni DOLE Director Dominique Tutay na maaaring maraming mawawalan ng trabaho kapag naipatupad na ang package 2 ng tax reform.

Lumalabas na unang maaapektuhan ng TRAIN 2 ang mga foreign investors sa mga economic zone.

Kapag aniya ay tinanggal ang mga tax incentives ng mga ito na nakapailalim sa economic zone.

Base umano ito sa isinasagawang pag-aaral ng DOLE.

Nakatakdang ipresenta ng DOLE ang resulta ng kanilang pag-aaral sa epekto ng TRAIN 2 sa susunod na pagdinig.

Samantala, kinumpirma naman ni Bello na magkakaroon ng wage adjustments sa National Capital Region (NCR) sa Oktubre.

Sinabi ng kalihim na sakop nito ang mga minimum wage earner.

Ayon kay Bello, inaasahan ang dagdag na P20 sa sahod kada araw ng mga manggagawa.

Una nang hiniling ng mga grupo ng manggagawa ang umento sa sahod sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

 

DZARNews

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *