FIBA 3x3

Philippine team, nakahanda na para sa FIBA 3×3 U23 World Cup bukas

Sports

MAGSISIMULA na bukas ang campaign game ng Team Philippines sa FIBA 3×3 Under 23 World Cup sa Xi’an China.

 Unang makaharap ng national team ng Pilipinas sa Miyerkules ang seventh seeded na Slovenia, 7:00 ng gabi.

Habang makakaharap naman nila ang top-seeded Serbia sa Pool C ng 8:50.

Nakatakda namang maglaro kontra sa No. 15 player ng Turkmenistan ang Team Leader Fighting Maroon na si Ricci Rivero sa Huwebes.

At ang host at top 8 player ng China, 8:40 ng gabi.

Kasama at kukumpleto naman sa Team Philippines ay sina former University of Santo Tomas Center Jeepy Faundo.

Kabilang din sina Far Eastern University Junior’s Player RJ Abarrientos at San Beda Juniors Cager Rhayyan Amsali.

 Aabante naman sa quarterfinals ang dalawang team na mangunguna sa bawat grupo.

 Sa naging pahayag naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas President, Al Panlilio.

Mas determinado SBP na mapakilala pa ang 3×3 na laro sa Pilipinas.

 “SBP is determined to increase the popularity of 3×3 in our country.”

 

Ulat ni: Jao Gregorio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *