DTI

DTI, nag-surprise inspection sa hardware stores sa Pasig City

Metro News National News

IKINASA ng DTI sa pangunguna ng Fair Trade Enforcement Bureau at Bureau of Product Standards ang isang surprise inspection.

Isinagawa ito sa ilang mga hardware store sa kahabaan ng Ortigas Ave. extension sa lungsod ng Pasig.

Sa layuning matiyak na ligtas ang mga produktong binibili ng mga consumer lalo na sa mga construction materials.

At sa pag-inspeksyon ng mga personahe ng DTI, nakitaan ng paglabag ang ilang mga tindahan.

Ilan sa paglabag na nasilip ng DTI ay ang kawalan ng markings sa ilang construction materials tulad ng mga GI wires.

Kawalan din ng markings ang nasilip na paglabag ng ahensya sa GI pipes ng isang hardware store.

Pamamagitan ng markings sa mga produkto, mabibigyan ng proteksyon ang mga mamimili.

Ayon sa paliwanag ni Fair Trade Enforcement Bureau Director Domingo Tolentino.

 Mahigpit na pinag-iingat ng ahensya ang publiko sa kanilang pagbili ng mga construction materials.

Ayon kay Dir. Tolentino dapat matutong mangilatis ang mga mamimili sa kanilang binibiling materyales pangkonstruksyon.

Pinayuhan naman ng DTI ang mg retailers na tiyaking naaayon sa standard ang kanilang mga kinukuhang produkto mula sa kanilang mga supplier.

Upang maiwasan na pagmultahin ang mga ito ng malaking halaga.

DZAR1026

Admar Vilando

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *