us navy

Ex-US navy na nagpadala ng kontaminadong sulat, umamin na

International News

SAMANTALA, umamin na ang naakusahang si William Clyde Allen III na dating US Navy.

Umamin ito sa salang pagpapadala ng mga sulat na kontaminado ng ricin sa White House at Pentagon. 

Sa isang affidavit ay inamin ni Allen na binili niya ang castor beans at sinadya itong ipadala kay US Pres. Donald Trump.

Kabilang sa pinadalhan sina FBI Director Christopher Wray, Secretary of Defense James Mattis at Chief of Naval Operations, Adm. John Richardson. 

Matatagpuan ang nakamamatay na ricin sa buto ng castor beans at maaaring gamiting isang biological weapon kapag ito ay naproseso. 

Si Allen ay nagsilbi sa US Navy ng apat na taon mula 1998 hanggang 2002. 

Kasalukuyan ng nakapiit ngayon ang suspek sa Davis County Jail at nakatakdang sampahan ng ilang Federal charge.

 

TRISHA MOLINA

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *