Kyrie Irving

Kyrie Irving, nanaising manatili na lang sa Boston Celtics

Sports

SA naging fan event sa TD Garden, nabanggit ng star player na si Kyrie Irving na nanaisin na lang nitong manatili sa Boston Celtics.

Aniya, kung papipiliin ito ay nais nitong hindi na umalis pa sa Celtics.

Sinabi niya na marami na silang napagsamahan ng kaniyang mga teammate maging ng buong organization.

Dagdag pa nito na kung gugustuhin nila ay nagplaplano itong lumagda muli sa Celtics sa susunod na taon.

“I’ve shared it with some of my teammates as well as the organization as well as everyone else in Boston. If you guys will have me back, I plan on re-signing here next year.”

Ito na nga ang huling taon ni Kyrie Irving matapos lumagda ng $94 million deal sa Cleveland Cavalier noong 2015-16 Season.

Na-trade naman sa Boston Celtics nitong last summer.

Sakaling hindi ito makabalik sa Boston Celtics next summer ay magiging player option si Irving at magiging unrestricted player para sa 2019-2020 season.

Nakapagtala pa rin si Irving ng magandang record sa Boston Celtics sa Eastern Conference.

Sa kabila ng pagkawala ni Kyrie Irving last season dahil sa naging injury.

 

JAO GREGORIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *