mall

Bagong mall hours, ipatutupad sa Nobyembre

Metro News

EPEKTIBO sa Nobyembre 5 hanggang Enero 14 ay 11:00 ng umaga na magbubukas ang mga mall.

Ipatutupad ito sa mga mall na nasa kahabaan ng mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ito ang isa sa napagkasunduan sa pulong ng mga opisyal ng MMDA at mall operators.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, sa halip na 10:00 ng umaga ay 11:00 ng umaga na ang opening ng mga mall.

Kabilang ditto ang mga nasa kahabaan ng EDSA, Marcos Highway, Libis at Commonwealth Avenue, Quezon City.

Layunin aniya ng hakbang na mabawasan ang inaasahang pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan.

Lalo na sa kasagsagan ng rush hours sa holiday season.

Sinabi ni Garcia na dedepende naman sa mga pamunuan ng mall kung anong oras sila magsasara.

Bagaman ay 11:00 ng gabi ang kanilang iminungkahi sa mga ito.

Magdagdag din aniya ng security check sa mga parking area ng malls.

Kabilang pa sa mga napagkasunduan sa pulong ay ang karagdagang security para sa traffic management.

Maging ang adjustments ng loading at unloading areas at partisipasyon sa anti-colorum campaign ng pamahalaan.

 

DZARNews

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *