swimmer

Filipino swimmer, nasungkit ang kauna-unahang ginto sa Asian Para Games

Sports

GUMIHIT ng kasaysayan ang Pinoy swimmer na si Ernie Gawilan.

Matapos masungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Asian Para Games.

Ito ay matapos pinangunahan ni Gawilan ang men’s 200-meter individual medley SM7.

Nangyari ito sa opening day Asian Para Games 2018 sa Jakarta, Indonesia.

Tinapos ni Gawilan ang kaniyang karera sa oras na 2:52.43.

Angat si Gawilan sa mga katunggali nitong sina Chen Liang-Da ng Chinese-Taipei na may oras na 2:55.9.

Nagtala rin ang Indian na si Jadhav Suyash Narayan na may 2:56.51 seconds.

Sa parehong araw ay nakapagtala din si Ernie Gawilan ng isang silver sa 50-meter freestyle SM7 competition.

Nakuha ni Gawilan ang 31.93 seconds sa nasabing kumpetisyon.

Samantala, nakapag-ambag na din ng dalawa pang ginto ang Pinoy bowler.

Kinilala itong si Kim Ian Chin matapos magwagi sa Mixed Singles TPB10 event in ten-pin bowling.

Nakakuha naman ng silver si weightlifter Michele Guion sa women’s 45-kg powerlifting competition.

Habang may bronze medals naman sina swimmer Gary Bejino sa naging laban nito sa men’s 100-meter backstroke at Arthus Bucay sa men’s time trial of para cycling.

Sa ngayon ay nasa ika-9 na puwesto na ang Pilipinas na may 3 gold, 2 silver at 3 bronze medals.

 

Jao Gregorio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *