Brooks Koepka

Golf star Brooks Koepka, tinanghal na PGA Tour Player of the Year

Sports

NADAGDAGAN na naman ang koleksyon ni golf star Brooks Koepka ng hindi lang bagong tropeyo maging ningning sa kaniyang makulay na karera.

Ito ay pagkaraang itinanghal ang golfer na si Koepka ng PGA Tour bilang Player of the Year ngayong 2017-2018 season.

Kasunod ito ng pagkakadepensa ni Koepka sa kaniyang titulo sa U.S. Open nitong June.

At matagumpay na naipanalo ang PGA Championship nitong August.

Ang golfer na si Koepka na nakasungkit ng dalawang major titles ngayong taon ay makokonsidera na ding ikaanim na manlalaro.

Kaugnay sa mga manlalarong nakakuha ng award sa huling anim na taon buhat ng una itong sinimulan noong 1990.

Aniya, napakasarap sa pakiramdam na mahilera ang kaniyang pangalan sa mga mahuhusay na golfers na naparangalan din ng parehong award.

 “It’s incredible … You look at the guys that have won this, Player of the Year, and it’s just incredible to have my name with them.”

“It’s been a roller-coaster year, being on the sidelines for four months and then to come out and win two majors.”

“It’s been a low and then an incredible high, so it’s truly an honor.”

Dagdag pa nito, maituturing na roller-coaster ang kanyang karanasan.

Matapos mapahinga ng apat na buwan at sa pagbabalik ay may karangalan bitbit na 2 major titles.

Masasabi ding si Brooks Koepka ang ikalimang player sa golf history na nakapagpanalo ng dalawang major titles sa iisang season.

Buhat ng una itong magawa ni Tiger Woods noong 2002.

 Kabilang naman sa mga pinagpilian at pinagbotohan sa nasabing award ay sina golfers:

Francesco Molinari

Dustin Johnson

Justin Rose

Justin Thomas

Bryson Dechambeau.

 

JAO GREORIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *