Pastor Apollo C. Quiboloy

Jose Maria College community nakadaupang palad si Rev. Pastor FDr. Apollo C. Quiboloy

Kingdom News

SA isang pambihirang pagkakataon, ay nakadaupang palad ng Jose Maria College community ang founding president nito na si Reverend Pastor, Dr. Apollo C. Quiboloy.

Sa isang pagtitipon na pinamagatang The President’s Hour’ na ginanap sa KJC Hall, Jose Maria College, sa lungsod ng Dabaw.

Ang The President’s Hour ay inorganisa ng Jose Maria College upang mabigyang pagkakataon ang mga stake holders nito na malaman ang mga development.

Kabilang ang mga plano ng institusyon sa hinaharap, sa inisyatiba ng Board of Trustees para sa school community.

At bilang founding president ng prestihiyosong institusyon, pinangunahan ito ni Reverend Pastor, FDr. Apollo C. Quiboloy.

Sa naging talumpati nito, ipinunto ng butihing Pastor ang pagpapahalaga sa mga ethical at moral values na itinuro ng JMC sa mga estudyante nito.

“Let your JMARIAN values remain intact,” ayon ni Rev. Pastor FDr. Apollo C. Quiboloy sa mga estudyante.

“Wherever you may be in the future, do not forget the good values that I’ve taught you in JMC because those are the values that will bring you to the highest peak of success.”

Ipinunto rin ng butihing Pastor, na nais nitong ibigay ang pinakamaganda at mahusay na edukasyon para sa mga JMARIAN.

Kasabay ng pagpapakita sa mga magulang at mag-aaral ng JMC ng walk through ng expansion plans nito.

Ibinahagi ni Pastor Apollo ang ibat-ibang plano para sa Jose Maria College na hindi magtatagal ay tatawagin ng Apollo C. Quiboloy Global University.

Kasabay ng pagpapalawig ng pasilidad at imprastraktura ng paaralan, ay ang pagbubukas ng College of Medicine kasama ang modernong pasilidad nito.

Samantala, masaya naman ang mga mag-aaral, magulang at maging ang mga guro sa nasabing pagtitipon.

Hangad ng mga ito na marami pang ‘The President’s Hour’ na magaganap sa mga susunod na araw.

Ipinakita naman ng JMC Community ang pagmamahal at suporta ng mga ito kay Reverend Pastor, Dr. Apollo C. Quiboloy, bago pa man ito umalis sa KJC Hall.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *