APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Senate Bill 1558.
Tinatawag din ang panukala bilang Safe Street-Based Sexual Harassment lalo na sa mga babae at miyembro ng LGBT community.
Sa ilalim nito, mariing ipinagbabawal ang pagsipol, panghihipo sa mga malalaswang parte ng katawan.
At anumang uri ng kabastusan sa kalsada at mga pampublikong lugar.
Sa ilalim ito ng panukala ni Senador Risa Hontiveros,
Ang sinumang mahuhuli na gumagawa nito ay may multa mula P1, 000 hanggang P10, 000 at anim na buwang pagkakakulong.
Lumalabas sa pag-aaral na mula 18 hanggang 24 years old na mga babae at LGBT members ang nakakaranas ng sexual harassment.
Kadalasan nangyayari ang pangha-harass sa daan.