RETAIL PRICE

Suggested retail price ng bigas sa bansa, itinakda na

Business National News

NAGTAKDA na ang pamahalaan ng suggested retail price (SRP) sa bigas sa katapusan ng Oktubre.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, pumayag ang mga stakeholder sa itinakdang SRP sa pulong noong nakaraang linggo.

Ang regular-milled rice ay P38 hanggang P39 kada kilo.

Habang ang well-milled rice ay P40 hanggang P41 kada kilo.

Samantala, ang long grain rice ay P41 hanggang P42 kada kilo.

Aalisin na rin ang iba’t ibang pangalan ng commercial rice tulad ng “Sinandomeng”, “Dinorado,” at “Angelica.”

Isasama na lamang ito sa bagong label bilang regular-milled, well-milled, long grain at special rice.

Ipagbabawal na rin ang pagdisplay ng mga bigas sa open containers.

DZAR106

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *