Saudi journalist

Trump, kinuwestiyon ang nawawalang Saudi journalist

International News International.

KINAUSAP ng top officials ng White House si Saudi crown Prince Mohammed Bin Salman.

Kaugnay ito sa misteryosong pagkawala ng isang Saudi journalist sa Turkey.

Si Jamal Khashoggi ay isang Saudi Arabian journalist ay kilalang kritiko ng royal family ng Saudi.

Taong 2017 ng magpasyang mag self-exile si Khashoggi sa Amerika at naging U.S. resident.

Sa panahon ito nang itanghal bilang crown prince si Prinsipe Mohammed Bin Salman.

Isa rin siyang kolumnista sa pinakamalaking daily newspaper sa D.C. na Washington Post.

Ayon sa imbestigasyon, Oktubre 2 ng huling makitang pumasok ng Saudi Consulate sa Turkey si Khashoggi.

Upang kumuha ng papel para sa nalalapit nitong kasal sa Turkish fiancee subalit hindi na ito nakitang lumabas mula sa consulada.

Ayon sa Turkey, isang bitag umano ang pagbiyahe ni Khashoggi sa Istanbul.

Kung saan nasa 15 tauhan ng gobyerno galing Riyadh, Saudi Arabia ang ipinadala upang i-torture at patayin ito.

Ngunit wala pa silang matibay na ebidensiya hinggil dito.

 

Trish Molina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *