Semarang, Indonesia

Walang Pinoy na nahatulan ng kamatayan sa Semarang

National News

WALANG Pilipino ang nasentensyahan ng kamatayan sa Semarang, Indonesia.

Ito ang paglilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Matapos ang mga ulat na may isa pang Pinoy ang nakatakdang bitayin dahil sa drug smuggling.

Tanging si Mary Jane Veloso lamang ang nahaharap sa death penalty at nakulong ito sa Yogyakarta at hindi sa Semarang.

Ayon ito sa DFA batay na rin sa report ng Philippine Embassy sa Jakarta.

Mayroon aniyang Pinoy na nakakulong sa Semarang pero hinatulan lamang ito ng life sentence dahil sa drug-related crimes.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *