Certificate of Candidacy

Filing ng Certificate of Candidacy, nananatiling mapayapa

National News

NANANATILI namang mapayapa ang takbo ng nagpapatuloy na filing ng Certificate of Candidacy para sa 2019 midterm elections.

Ito, ayon kay PNP spokesperson Chief Superintendent Benigno Durana Jr., sa kabila ng ilang insidente ng pamamaril.

Aniya, wala silang naitalang untoward incidents at pangkalahatang naging mapayapa ang unang tatlong araw ng paghahain ng COC sa buong bansa.

Kaugnay nito, pinasalamatan ng opisyal ang umiiral na Martial Law sa Mindanao.

Malaki ang tulong nito upang maging mapayapa ang paghahain ng kandidatura ng mga political aspirants sa rehiyon.

Dahil aniya sa Martial Law, ay nabawasan kung ‘di man nasawata ng tuluyan ang paglaganap ng private armies at loose firearms.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *