Presyo

Presyo ng oil products, walang gaanong paggalaw

Business National News

WALANG gaanong magiging paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Kapag nasuspende pansamantala ang ikalawang bugso ng pagtaas ng excise tax sa langis sa ilalim ng Tax Reform Law.

Gayunman, sinabi ni Department of Finance (DOF) Assistant Secretary Tony Lambino na may psychological factor din ang inflation.

Kaya’t kailangang pangasiwaan ang mga inaasahan ng mga kababayan.

Ito aniya ay dahil iniisip ng karamihan ng mga Pinoy na ang kontribusyon ng mataas na excise tax ang rason ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ipinaliwanag ni Lambino na 25% lamang ang ambag ng ipinataw na buwis sa mga produktong petrolyo.

Dahil ang 75% ay bunsod ng pagsipa ng presyo ng krudo sa world market.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *