Itogon, Benguet

Kingdom of Jesus Christ KLC of London, nagpaabot ng tulong sa Itogon, Benguet

Kingdom News National News

GUMUHO ang lupa na kumitil ng halos 100 katao sa Brgy. Ucab Itogon, Benguet.

Matapos manalasa ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa bansa sa taong ito – ang Bagyong Ompong.

Mayorya sa mga naninirahan sa barangay na ito ay nagtatrabaho sa isang small scale mining.

Ang pagmimina kasi ang isa sa pangunahing ikinabubuhay ng mga naninirahan sa Barangay Ucab at halos ng buong Benguet.

Ngayon, idineklara na ng lokal na pamahalaan na danger zone ang lugar.

Ipinagbabawalan na ang mga residente na bumalik sa kanilang tahanan para manirahan.

Ang mga bata at iba pang naninirahan dati sa lugar na ito ay bumibisita na lamang para pakainin ang kanilang mga alagang hayop.

Kasabay ng paggunaw ng lupa sa kanilang barangay ay ang kanilang pag-asa na muling manirahan sa lugar kung saan sila lumaki.

Gayunpaman, hindi nakalimutan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang executive pastor ng The Kingdom of Jesus Christ ang mga Taga Brgy. Ucab Itogon Benguet.

Personal na tinungo ng The Kingdom of Jesus Christ ng Kingdom Local Congregation ng London, United Kingdom ang local na pamahalaan ng Itogon.

Upang ipaabot ang tulong ni Pastor Apollo.

Isang turn over ceremony ang naganap nitong Lunes October 15, ng daan-daang sakong bigas.

Ipinagkaloob ang mga ito ng Kingdom of Jesus Christ para sa mga landslide victims ng Itogon Benguet.

Hindi lamang doon nagtatapos ang ayuda ng Kindgom of Jesus Christ KLC of London.

Dahil sa susunod na taon ay nangako itong magpapaabot din ito ng ikalawang batch ng tulong.

Para sa mga biktima ng Bagyong Ompong sa kanilang lugar.

Malaki naman ang pasasalamat ni Itogon Mayor Victorio Palangdan sa tulong na ipinaabot ni Pastor Apollo at ng Kingdom of Jesus Christ KLC of London.

Aniya, ang nasasabing religious group lamang ang tanging nagpaabot ng tulong sa mga sinalanta ng Bagyong Ompong sa kanilang munisipalidad.

 

DZAR1026

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *