Kasong libelo

Kasong libelo vs dating Health Sec. Ubial, binasura

Health National News

IBINASURA ng Department of Justice (DOJ) ang kasong libelo na isinampa laban kay dating Health Secretary Paulyn Ubial hinggil sa Dengvaxia.

Sa resolusyon na may petsang Setyembre 12, hindi kinatigan ng DOJ ang reklamo na inihain ni dating Health Secretary Janette Garin.

Kasamang naghain ang kanyang asawa at ibang pang opisyal ng DOH.

Kaugnay ito sa libelo laban kay Ubial at tatlong iba pang respondents dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Nag-ugat ang reklamo ni Garin sa pahayag ni Ubial.

Ani Ubial, nagpapahiwatig umano na ang pagbili sa bakuna ay may bahid ng katiwalian, minadali at hindi nakasunod sa standard protocol.

Ayon sa DOJ, walang malisya ang naging pahayag ni Ubial sa isyu.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *