F1 racer

F1 racer Hamilton, nasungkit ang ika-5 world championship title

Sports

NADAGDAGAN na naman ng isang tropeyo ang hilera ng karangalan ng F1 racer na si Lewis Hamilton.

Ito ay pagkaraang masungkit ng racer na si Hamilton ang kaniyang ika-limang world championship title.

Ito ay sa kakatapos lamang na Mexican Grand Prix nitong linggo.

Ang naging pagkapanalo nga ni Hamilton ay ang pagpantay din nito sa lebel ng supreme club ng Formula One record.

Ito ay ang yumaong car racer na si Juan Manuel Fangio.

Samantala, nakapagtala na ng 99 ATP Tour titles ang tennis star na si Roger Feederer.

Matapos magpasiklab sa Swiss Indoors Final nitong linggo.

Naipanalo ni Federer ang kaniyang match set kontra sa qualifier na si Marius Copil sa victory score na 7-6 (5), 6-4.

Nagpasalamat naman si Federer sa higit 12,000 na manunuod sa naging laban nito sa kaniyang hometown sa Basel, Switzerland.

Sa naging pagkapanalo naman ni Federer ay malapit na din itong lumapit sa record ng all-time singles titlist.

Ito ay si Jimmy Connors na may 109 na panalo.

 

DZAR1026

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *