Tyronn Lue

Lebron James nagpa-abot ng suporta kay Coach Tyronn Lue

Sports

NAGPA-abot ng kaniyang suporta ang former Cavalier player na si Lebron James sa dati nitong coach na si Tyronn Lue.

Ito ay pagkaraang napagdesisyunan ng management ng Cavaliers na sibakin si Tyronn Lue bilang coach.

Dahil sa anim na sunod na pagkatalo ng koponan.

Sa naging pahayag ni ‘The King’ sa kaniyang Twitter post, aniya nagpapasalamat ito kay Lue sa lahat ng kanilang pinagsamahan.

Lalo na sa pagdadala nila ng kampeonato para sa kanilang mga tagahanga.

Nagpaabot din ng pasasalamat at suporta ang basketbolistang si Kevin Love sa naging post nito sa kaniyang Instagram account.

Aniya naging malaking tulong si Lue para makita niya ang magagandang bagay sa mundo.

At nagpapasalamat ito sa lahat ng mga aral na ibinahagi ng coach sa kaniya.

Dagdag pa nito na tanging pagmahahal at paghanga ang meron siya para sa kanilang former coach na si Tyronn Lue.

Sa ngayon ay tatayo munang head coach ng Cleveland Cavaliers ang assistant na si Larry Dew.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *