OPM singer

OPM singer Rico J. Puno, pumanaw na

Showbiz

BINAWIAN na ng buhay ang legendary OPM singer na si Rico J. Puno kaninang madaling araw sa edad na 65.

Ayon sa anak nitong si Tosca Camille Puno-Ramos, binawian ng buhay ang kanyang ama dahil sa cardiac arrest.

Una namang kinumpirma ng producer na si Anna Puno ang pagkasawi ng OPM King.

Kasabay ng paghingi ng kaunting sandali sa mga fans at supporters ni Rico na pag-alayan ito ng dasal.

Matatandaan na noong taong 2015 ay sumailalim ang respetadong singer sa isang seven-hour heart surgery.

Dahil sa kahirapan nito sa paghinga habang nasa taping.

Ang huling presscon ni Rico ay noong lamang Oktubre 18.

Para ito sa upcoming concert ni Rico kasama sina Marissa Sanchez at Giselle Sanchez.

Ilan naman sa mga pinasikat na kanta ni puno ang “Kapalaran,” “May Bukas Pa”, “Macho Gwapito” and “Magkasuyo Buong Gabi.”

Bumuhos naman ang pakikiramay sa Pamilya Puno mula sa mga kaibigan at kasamahan sa industriya ng beteranong singer.

 

SAM GUTIERREZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *