Princess Ayako ng Japan

Princess Ayako ng Japan, tinalikuran ang royal status

International News International.

TULUYAN ng tinalikuran ni Princess Ayako ng Japan ang kanyang royal status.

Matapos magpakasal kay Kei Moriya na isang empleyado ng Nippon Yusen Shipping Company.

Ayon sa Japanese Law, otomatikong mawawala ang royal title, allowance at status ng isang babae mula sa royal family.

Kapag ang babae ay nagpakasal sa isang commoner o hindi kasapi sa royal family.

Sa kaugalian ng Japan, mananatiling bahagi ng royal family ang mga lalaking miyembro na mag-aasawa ng commoners.

Subalit kailangang talikuran ito ng mga babaeng miyembro kapag sila naman ang mag-asawa ng isang commoner.

Makakatanggap din ng lump sum na nagkakahalaga ng $950,000 o mahigit limampung milyong piso ang prinsesa.

Ito ay bilang living expenses ng prinsesa mula sa gobyerno ng Japan.

Ginanap ang tradisyunal na seremonya sa Meiji Shrine ng Tokyo noong Lunes.

 

TRISHA MOLINA

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *