Cleveland Cavaliers

Cleveland Cavaliers, nasungkit na ang una nilang panalo

Sports

NATIKMAN na sa wakas ng Cleveland Cavaliers ang tamis ng una nilang tagumpay.

Sa naganap na 2018-2019 NBA Pre-Season games matapos ang tila sumpang 6 na sunod na pagkatalo.

 Naungusan ng koponan ng Cleveland Cavaliers ang Atlanta Hawks na nakapagbigay ng 136-114 na winning score.

Pinangunahan naman ng mga manlalarong sina Rodney Hood na nakapag-ambag ng  26 points, Cedi Osman na nagbigay ng 20 points.

Sina George Hill at Collin Sexton din ay parehong nagdagdag ng 17 points sa pagkapanalo ng Cavaliers.

Nag-ambag din ng 15 points ang half-Pinoy player na si Jordan Clarkson.

Sa ngayon ay hindi pa din nakakakalaro sa third straight game si Kevin Love dahil sa kaniyang left toe injury.

Ito na nga ang unang panalo ng Cavaliers matapos mapalitan ang kanilang coach na si Tyronn Lue.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *