German nurse

German nurse, inaming nakapatay ng 100 pasyente

International News International.

INAMIN ng isang German nurse na nakapatay siya ng 100 pasyente mula taong 2000 hanggang 2005 sa unang araw ng kanyang paglilitis.

Kinilala ang 41 taong gulang na suspek na si Niels Hoegel na unang nakulong taong 2008 sa salang attempted murder.

Ito ay matapos mapag-alamang tinuturukan ng prescribed na gamot ni Hoegel ang kanyang biktima na aatakihin ng cardiac arrest.

At pagkatapos ay tatangkaing i-revive ng suspek.

Sinabi ni Hoegel sa mga prosecutors na motibo niyang ipakita ang kakayahang magligtas ng buhay.

At dahil na rin umano sa nararamdamang pagkabagot.

Matapos ang sumunod pang mga pag-amin ay tinatayang aabot sa 200 ang mga nabiktima ni Hoegel.

Itinuturi namang isa sa pinakamalaking kaso ng serial killing ang nasabing krimen sa Germany.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *