M16 riffle bullet

M16 riffle bullet, nasabat sa Araneta Center Bus

Metro Manila Metro News

SA kulungan tutuloy si Bryan Magasala at doon na rin nito itatawid ang paggunita ng undas bukas.

Matapos itong mahulihan ng 16 na piraso ng M16 riffle bullet sa Araneta Center BUS Terminal.

Sa mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng naturang terminal, naging kapansin-pansin ang laki ng bag nito.

Habang bumaybay sa kahabaan ng terminal para maghanap ng masasakyan pauwi sa Bicol.

Dahil dito, isang mano-manong inspeksyon ang isinagawa ng mga security guard ng terminal sa bag ni Bryan.

At dito na tumambad ang bala ng baril na agad namang ipinagbigay sa kapulisan.

Ayon sa salaysay ng suspek, sundalo ang ama nito.

Kung kaya’t hindi niya alam kung paano napunta sa kaniyang bag ang nasabing mga bala.

Sa ibang pahayag nito, ay ginagamit umano ang mga bala sa panggagamot.

Kasalukuyang na-hold si Bryan sa QCPD Station 7 para sa karagdagan pang imbestigasyon.

Sa ilalim ito ng kautusan ni NCRPO chief Guillermo Eleazar.

Ayon kay Eleazar dadaan muna sa verification ng mga otoridad ang mga pahayag ng suspek.

Nahaharap sa kasong illegal possession of ammunition ang suspek sa ilalim ng RA 109591 Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation.

Sa ngayon, patuloy ang pagdagsa sa naturang bus terminal ng mga bibiyahe palabas ng Metro Manila ngayong undas.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *