MRT-3, LRT-1 at LRT-2

MRT-3, LRT-1 at LRT-2, inanunsyo na ang magiging operasyon nila ngayong undas

Metro Manila Metro News

INANUNSYO ng MRT-3, LRT-1 at LRT-2 ang schedule ng kanilang mga biyahe para sa undas.

Sa abiso ng MRT-3, bukas ang kanilang linya mula ngayong araw hanggang sa Biyernes, Nobyembre 2 ng alas 5:30 ng umaga.

Hanggang alas 10:30 ng gabi kung saan ide-deploy ang labinlimang tren.

Habang ang operasyon sa Sabado at Linggo ay katulad lamang ng operasyon sa Nobyembre 1 at Nobyembre 2.

Pero labindalawang tren lamang ang ide-deploy.

Samantala, mag-ooperate naman ang LRT-1 at LRT-2 base sa kanilang regular holiday at weekend schedules.

Sa LRT-1, ang unang biyahe mula Roosevelt Station at sa weekend ay alas 4:30 ng umaga.

Habang ang huling biyahe ay alas 9:45 ng gabi at ang huling biyahe mula Baclaran Station ay alas 9:30 ng gabi.

Sa LRT 2, ang unang biyahe mula sa Recto Station ay alas 4:30 ng umaga at ang huling biyahe ay alas 10:30 ng gabi.

Habang ang unang biyahe sa Santolan Station ay alas 4:30 ng umaga at ang huling biyahe ay alas 10:00 ng gabi.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *