Search and rescue operation

Search and rescue operation sa Bayan ng Natonin, nagpapatuloy

National News Regional

PATULOY ang isinasagawang search and rescue operation ng mga otoridad sa mga natabunan ng gumuhong lupa sa bayan ng Natonin, Mountain Province.

Base sa huling datos ng PDRRMO ng Mountain Province, dalawa na ang kumpirmadong nasawi na kinilalang sina Falangkad Longad and Jeffrey Nagawa Salang-ey.

Matapos matabunan ng lupa ang lumang building ng DPWH.

Maliban naman sa nasawi, anim na katao pa ang nailigtas na.

Kinabibilang nina Joventino Lamawen, Innocencio Gollingay, Fritz Gerald Lumpanga, Jupiter Gaawan, Jun Jun Machanum.

Sa inisyal naman na datos ng PDRRMO, nasa 29 ang bilang ng mga nasa loob ng gusali ng mangyari ang insidente.

Kabilang dito ang 20 laborers, 1 project engineer, 3 security guards at 5 evacuees.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation sa mga biktima.

Kaugnay naman nito, nagpaabot na ng pakikiramay ang Palasyo sa pamilya ng mga nasawi.

 

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *