Leona Lewis

Leona Lewis, nag suot ng isang Filipino-designer made gown

Showbiz

ISINUOT ng British superstar na si Leona Lewis ang isang Michael Cinco dress.

Para sa world premiere ng The Nutcracker and The Four Realms.

Ginanap ito sa El Capitan Theatre sa Hollywood noong nakaraang linggo.

Sa isang Instagram post ni Michael ay ipinakita nito si Leona na suot-suot ang cream colored dress.

Parte raw ito ng kanyang spring summer 2018 collection.

Nakatanggap naman ng papuri si Michael dahil sa ganda ng kanyang mga designs.

At sinabi din ng ibang designer na one of a kind ang kanyang style sa paggawa.

Isa lamang si Leona sa mahabang listahan ng mga Hollywood stars na nakapagsuot na ng creation ni Dubai based Filipino designer Michael Cinco.

Sam Gutierrez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *