French President

Anim arestado sa pag-atake kay French President Macron

International News International.

ARESTADO ang anim katao matapos mabisto ang hinihinalang pag-atake laban kay French President Emmanuel Macron.

Ayon sa Interior Ministry, ang mga nahuling suspek ay nasa edad 22 hanggang 62 taon.

Hinihinalang ang mga ito na konektado sa Far Right Movement.

Sinabi ng French Intelligence Agency na under surveillance ang anim na suspek.

Magkakahiwalay na inaresto ang anim sa tatlong rehiyon sa France.

Ayon sa mga opisyal ay balak ng mga suspek na isagawa umano ang pag-atake sa pangulo.

Ito ay sa darating na Nobyembre 11 sa Southern France.

Kung saan gaganapin ang ika-100 taong selebrasyon ng World War 1 Armistice Day.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *