CHED

CHED at CHR, pinaiimbestigahan sa mandatory pregnancy test

National News Regional

INIIMBESTIGAHAN na ng CHED at Commission on Human Rights (CHR) ang memorandum ng Pines City Colleges sa Baguio City.

Nagpapatupad ang umano ang naturang paaralan ng mandatory pregnancy test sa mga babaeng estudyante.

Ayon kay CHED chairman Prospero de Vera, inatasan na niya ang kanilang legal office.

Kungsaan ay inatasang alamin ang tungkol sa dokumentong kumakalat sa social media.

Sinabi naman ni CHR spokesperson Attorney Jacqueline de Guia na sisiyasatin din ng kanilang ahensya ang nasabing kautusan ng paaralan.

Iginiit ni De Guia na hindi dapat mapagkaitan ng karapatan ang mga kababaihan na makapag-aral ng dahil sa pagiging buntis.

Paglabag din aniya sa Magna Carta of Women ang hindi pagtanggap ng eskwelahan sa mga estudyanteng buntis.

Kahapon nang mag-viral sa Facebook ang kopya ng memorandum ng Pines City Colleges ukol sa mandatory pregnancy test.

Isa ring dokumento ang nagsasabing ang mga buntis na estudyante ay hindi maaring mag-enroll sa mga kursong clinical dentistry.

Kabilang din na pinagbawal sa mga buntis ang kurso ng Roentgenology, Anesthesiology at Endodontics.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *