buwan ng Oktubre

Inflation rate nitong buwan ng Oktubre, nananatili

Business National News

WALA naging paggalaw sa bilis ng pagsipa ng presyo ng mga bilihin sa bansa noong buwan ng Oktubre.

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, nanatili sa 6.7% nitong Oktubre na parehas sa naitala noong Setyembre.

Kabilang naman sa tatlong pangunahing dahilan ng mataas na inflation ay ang food.

Kabilang ang non-alcoholic beverages, housing, water, electricity, gas at iba pang langis at transport.

Ang inflation rate noong nakaraang buwan ay mataas ng mahigit doble sa naitalang 3.1 percent noong October 2017.

Naitala naman noong Setyembre ang pinakamabilis na inflation sa nakalipas na mahigit siyam na taon.

Mula nang maitala ang 7.2 percent noong Pebrero 2009.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *