Pamasahe sa tricycle

Pamasahe sa tricycle sa Quezon City, magtataas ng piso

Metro Manila Metro News

MALIBAN sa dagdag-pamasahe sa jeep at bus, ay tataas rin ang pamasahe sa tricycle sa Quezon City.

Ito ay matapos na aprubado na ng Quezon City government ang hirit na pisong dagdag-pasahe sa tricycle.

Hiniling ito ng Tricycle Operators and Drivers’ Association o TODA sa naturang lungsod.

Base sa City Ordinance 2757-2018 ng Quezon City, ang taas-pasahe ay bilang tugon sa pagtaas ng krudo.

Mula sa P8 magiging P8 na ang regular na pasahe sa tricycle sa unang kilometro.

Karagdagang piso sa kada sumunod na kilometro.

Sa mga special trip naman, nasa P18 na ang bayad sa unang kilometro at karagdagang piso sa kada sumunod na kilometro.

May 20% naman o P7.20 pesos lamang ang bayad sa kada regular trip.

Para ito sa mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs) at estudyante.

May karagdagang 50 centavos ito sa kada sumunod na kilometro.

Habang sa mga special trip, nasa P14.40 ang bayad sa unang kilometro at karagdagang 50 centavos sa kada sumunod na kilometro.

Tinatayang nasa 24, 700 ang registered tricycle sa Quezon City ang makikinabang sa naturang dagdag-pamasahe.

 DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *