baby boy

3-year-old baby boy, kayang magbilang sa 12 lengguwahe

Lifestyle Metro News

PATOK na patok ngayon sa social media ang cute na cute na baby boy na ito na si Air Jordan Chua.

Paano ba naman, sa edad na 3-years-old ay kaya na niyang magbilang ng 1-10.

Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi sa labing dalawa pang mga lengguwahe.

Sisiw na sisiw kay Baby Air ang pagbibilang ng ibang wika.

Bukod ito sa pagbibilang sa wikang Filipino at Ingles na karaniwang itinuturo sa mga bata.

Kabilang sa kanyang lengguwahe ang German, Russian, Welsh, Arabic, Chinese, French, Spanish, Korean, Japanese at Bisaya.

Ang lahat ng yan ay natutunan ni Baby Air ng mag-isa sa papamagitan ng kanyang parents at panunuod nito ng online videos.

At hindi lang dyan nagtatapos ang nakakabilib na multilingual ability ng batang ito.

Dahil ultimo pag sabi ng salitang thank you ay yakang-yaka ni Baby Air sa iba’t ibang lengguwahe.

Kaya naman milyon-milyong Pilipino ang aliw na aliw sa tatlong taong gulang na Pinoy henyong ito na taga-Makati.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *