Disaster resilience measures

Disaster resilience measures, dapat ng isulong ngayon

National News

WALANG tamang panahon para isulong ang mas magandang disaster resilience measures kundi ngayon.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa paggunita ng ikalimang anibersasyo ng paghagupit ng super Typhoon Yolanda.

At pag-alala sa mga nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng pinakamapaminsalang bagyo.

Dapat aniyang ipagpatuloy lamang ng sambayanan ang pagtutulungan para mabawasan ang epekto ng climate change sa bansa.

Dagdag ni Panelo, patuloy pa rin ang konstruksyon ng housing projects para sa mga biktima ng Yolanda.

At umaasa silang makukumpleto ito sa loob ng isa o dalawang taon.

Aniya, maraming iniwang liksyon ang super typhoon sa public service.

Partikular sa agad na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan.

Kaya’t sinisikap ng Administrasyong Duterte na mapabilis ang recovery efforts para sa Yolanda survivors.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *